75

By

Sato, Creamline hindi maawat

Winalis ng Creamline Cool Smashers ang Pacific Town Army, 25-15, 25-18, 25-22, kagabi sa unang laro ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Hataw ng 12 markers si Risa Sato sa likod ng 9 attacks at 3 blocks para tulungan ang Cool Smashers na birahin ang malinis na 14-0 kartada.

Sinalo rin ni Jema Galanza ang iniwang posisyon ni injured Alyssa Valdez sa ginawang 11 points sa likod ng 9 kills at 1 service ace habang si Rose Vargas ay umambag rin ng 10 puntos para ilaglag ang Pacific Town sa 6-8 kartada.

“Dapat kung gaano kami kabilis dapat ganun lang,” ani Galanza. “[Dapat] i-maintain lang namin kasi ganun kami maglaro and play happy lang.”

Namuno sa Pacific Town si Royse Tubino sa inilistang 13 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?