117

Dec 28, 2017 @ 12:22

Satisfaction rating ni Sereno sumadsad na naman

Patuloy ang pagbaba ng public satisfaction rating ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ayon sa latest Social Weather Stations survey.

Sa survey na isinagawa noong Disyembre 8 hanggang 16, nanatiling neutral +6 (34 percent satisfied at 28 percent dissatisfied) ngayong buwang ito.

Bumaba ito ng tatlong puntos mula sa +9 noong Setyembre. Ang rating din ito ay mas mababa kumpara sa +21 rating na naitala noong Hunyo .

Sabi ng SWS, ito ang pinakamababang net satisfaction rating score na nakuha ni Sereno sapul nang makuha nito ang neutral -1 noong Setyembre 2015.

Ang ttlong puntos na pagbaba ni Sereno ay resulta na pagsadsad ng puntos nito sa Metro Manila (seven-point drop), Mindanao (four points) at in Visayas (two points).

Si Sereno ay nahaharap sa reklamong impeachment na inihain ni Atty. Larry Gadon. Siya ay inaakusahan ng culpable violation of the Constitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?