67

Dec 23, 2017 @ 12:13

Satisfaction rating ni Duterte, ‘very good’ – SWS survey

Matatapos ang taong 2017 na may naitalang ‘very good’ na net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey.

Sa survey, lumabas na 71 porsiyento ng mga Pinoy ang nasisiyahan sa trabaho ni Duterte, tumaas ito kumpara sa nakaraang 67% na nakuha niya noong Setyembre; 13% ang may disgusto, na 6% na mas mababa kumpara ng nakaraan habang 15% ang undecided.

Namantina ng Pangulo ang ‘very good’ rating nito sa Mindanao (+80), at ‘good’ hanggang ‘very good’ rating sa Metro Manila (+55), sa Balance Luzon (+50), at Visayas (+53).

Nanatili ring maganda ang rating nito sa Classes A, B, at C sa +66, na umakyat ng 9-point mula sa +59 noong Setyembre.

Habang nakakuha ito ng +57 sa class D o sa masa at E (+65).

Isinagawa ang ika-apat na bahagi ng survey matapos mapalaya ang Marawi mula sa pananakop ng IS-Maute group kung saan lumabas na 62% ng respondents ay tutol sa martial law extension in Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?