37

Satisfaction rating ni Duterte, bumaba ng 2 puntos

Sharing is caring!

Nanatiling pa ring ‘very good’ ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa isinagawang survey noong Marso 23-27, 70 porsiyento ng mga respondents ang nagsabing sang-ayon sila sa pamumuno ni Duterte, 14 ang hindi sang-ayon habang 17 porsiyento ang hindi desidido.

Ito ay nagbigay ng net satisfaction rating na +56, dalawang puntos na pagsadsad mula sa +58 na naitala noong Disyembre 2017.

Ang survey ay isinagawa sa gamit ang ‘face-to-face’ interview ng may 1,200 katao sa buong Pilipinas.

Sabi ng SWS, ang pagbaba ng satisfaction rating ni Duterte ay bunsod ng pagsadsad sa 11 puntos sa Luzon at isa naman sa Metro Manila na sinamahan naman ng pagtaas ng 12 puntos sa Visayas at dalawang puntos sa Mindanao.

Nanatiling ‘very good’ sa Visayas si Duterte na may +65 porsiyento habang excellent naman sa Mindanao, +82 porsiyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?