95

Jan 14, 2022 @ 22:07
By

‘Sassa Gurl’ calendar girl na

Inanunsyo ng White Castle Whisky ang kanilang calendar model para sa taong 2022.

Ito’y walang iba kundi ang TikTok content creator at social media personality na si “Mima Sassa Gurl”.

“Nung 2021, ang calendar model namin, yung laging taga-luto tuwing may inuman. Ngayong 2022, ang calendar model namin, ang laging nagpapainom tuwing may inuman,” sabi ng White Castle Whisky sa Facebook post.

“Ang aming White Castle 2022 Calendar Model, walang iba kundi ang Mima nyong busog, Sassa Gurl! Sinong nagsabing babae lang pwedeng maging Calendar Model?” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?