73

Jan 2, 2018 @ 17:42
By

Saso target ang ika-2 titulo sa ICTSI golf

Muling masusubukan ang tikas ni top amateur Yuka Saso laban sa best local pros at ilang Thai aces sa simula ng ICTSI Ayala Greenfield Ladies Challenge opens sa Calamba, Laguna.

Puntirya ni 17-year-old Saso ang pangalawang pro title matapos magreyna sa LPGT Eagle Ridge tournament noong 2016.

Nanaig si Saso sa Philippine Amateur Stroke at Match Play ng nakaraang taon, pangungunahan nito ang eight-player amateur kontra pros para sa titulo sa 54-hole championship.

Kasali rin si dating Junior World champion Daniella Uy kasama sina Chanelle Avaricio, Laia Barro, Marianne Bustos, Sam Dizon, Baek Yeun Jea at nagbabalik na si Sam Martirez.

Nagwagi rin si Saso sa World Junior Girls title at pinamunuan ang Pilipinas sa team championship sa Canada noong 2016.

Sina LPGA at Symetra Tour campaigner Dottie Ardina, Cyna Rodriguez at Princess Superal ay kalahok din sa nasabing torneo.

Papalo din sina LPGT leg winners Chihiro Ikeda, Sarah Ababa at Korean Euna Koh.

Si Pauline del Rosario na top money earner sa LPGT nakaraang taon matapos ang apat na panalo sa kanyang rookie season ay sasabak din sa matinding bakbakan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?