15

Sep 15, 2021 @ 15:09
By

Saso ibinulsa limpak-limpak na premyo

Yayamanin ang Pinay-Japanese golfer na si Yuka Saso ayon sa LPGA money list kung saan pumangatlo siya sa mga babaeng golfer na may pinakamalaking napanalunang cash prize ngayong taon.

Sa huling tala ng LPGA, nakaipon si Saso ng $1,212,225 o nasa P60.61 milyon matapos lumahok sa limang kompetisyon ngayong taon.

Tampok sa mga napalanunan ni Saso ang $1 milyon mula US Women’s Open.

Nanguna naman sa money list ang world number one na si Nelly Korda ($1,941,977) at pangalawa si Lydia Ko ($1,214,954).

Ngunit ‘di gaya ni Saso, 14 event ang nilahukan ni Korda habang 15 naman para kay Ko.

‘Di pa tapos si Saso sapagkat marami pa siyang sasalihang torneo bago matapos ang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?