38

Nov 23, 2020 @ 17:52

Sasakyang walang RFID sticker ‘di muna huhulihin

Hindi muna huhulihin ang mga motoristang wala pang radio frequency identification (RFID) sticker ang mga sasakyan hanggang Enero 11, 2021, ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes.

“Wala pong mangyayaring hulihan mula December 1 hanggang January 11, 2021, para sa mga sasakyang walang RFID,” pahayag ng DOTr.

“Matapos ang January 11, hindi na lahat ng lanes sa toll gate ay iko-convert bilang stickering lane. Magtatalaga na lamang ng isa o dalawang stickering lane, o kaya naman isang installation tent bago pumasok sa toll gate kung saan maaaring kabitan ng RFID ang mga sasakyan,” dagdag ng ahensya.

Magugunitang ni-require ng DOTr ang mga motorista na maglagay ng RFID sticker sa mga sasakyan para sa cashless toll payment, na ipatutupad sana sa Disyembre 1, 2020. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?