22

By

Sasakyang pandagat, maaari nang maglayag – PCG

Sharing is caring!

Pinahintulutan na ng Philippine Coast Guard (PCG) na pumalaot ang mga sasakyang pandagat.

Ito’y matapos na maglabas ng weather bulletin update ang PAGASA sa natitirang lugar na apektado ng bagyong Basyang.



Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, pinayagan nang bumiyahe ang mahigit sa 1,000 pasaherong stranded sa mga pantalan sa Central Visayas kaninang alas-siyete ng umaga. 



Gayundin sa parte ng Southern Visayas na may mahigit na 900 stranded sa lugar ng Negros Occidental, Negros Oriental at Siquijor.



Paliwanag ni Balilo, pinayagan na rin na maglayag sa Eastern Visayas at Western Visayas dahil hindi naman ito gaanong naapektuhan ng bagyong Basyang.

Samantala, sa tuloy na rin ang biyahe sa Northern Mindanao kaninang alas-10:00 ng umaga.

Patuloy namang binabantayan ng PCG sa Palawan ang lagay ng dagat, na sa kasalukuyan ay mayroon nang 145 stranded na pasahero sa Panlatan ng Cuyo at Araceli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?