96
Sasakyan ng pinaslang na Grab driver, narekober sa Lucena
May 29, 2019 @ 16:52
By

Sasakyan ng pinaslang na Grab driver, narekober sa Lucena

Narekober ng pulisya sa Lucena City noong Martes ang nawawalang sasakyan ng isang Grab driver na natagpuang patay sa Cainta, Rizal kamakailan.

Ayon sa ulat, kapwa nagtungo sa police station sina Mildred Salcedo, 50, at Marie John Almario, 49, mga residente ng Barangay Cotta, dakong alas-1:35 ng madaling-araw para i-report na sinasangla sa kanila ng isang Paolo Legazpi Largado sa halagang P30,000 ang naiulat na nawawalang Toyota Avanza na may plate number DAE 3053 at pag-aari ni Maria Cristina Palanca noong Lunes ng alas-5:30 ng hapon.

Batay umano sa napagkasunduan, kukunin ito ni Largado sa Hunyo 2.

Nang madiskubre nina Salcedo at Almario sa social media na si Largado ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Palanca, nagdesisyon silang i-turnover ang sasakyan sa pulisya.

Nakuha sa sasakyan ang driver’s license ni Palanca at Tax Identification Number Card ni Largado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?