19

Sep 12, 2020 @ 15:37
By

Sasakyan bumagsak mula 2nd floor ng PPA building

Sugatan ang isang driver matapos mahulog mula sa ikalawang palapag ng parking area ng Philippine Ports Authority (PPA) building sa Maynila ang minamaneho niyang sasakyan.

Nabagsakan nito ang isa pang sasakyan na nakaparada sa gilid ng gusali.

Wala namang sakay ang nabagsakang sasakyan.

Nakunan sa CCTV mula sa Barangay 653 ang pagbagsak ng sasakyan mula sa parking area, na binahagi sa Twitter ng ABS-CBN reporter na si Jekki Pascual.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?