34

Mar 6, 2020 @ 18:18
By

Sarr nag-sorry sa pananakit sa pari ng Adamson

Humingi ng tawad si former Adamson Soaring Falcon Papi Sarr matapos ang insidente ng kanyang pananakot sa isang school official.

“Dear Klasmayts, friends, my team mates, coaches, priests and the Adamson community, first, i would like to apologize to you all for this unfortunate event. Those of you who knows me personally know that it was not intentional,” post ng Cameroonian big man sa kanyang Facebook.

Nakatanggap si Sarr ng dismissal letter mula kay Fr. Aldrin Suan kung saan ay naglalaman ito ng balitang hindi na ito mapapabilang sa line-up ng men’s basketball team ng paaralan.

Hindi nagustuhan ni Sarr ang balita at sinigawan at dinibdiban pa ang school official.

“I love this school and would not have spent 7 years of my life here no matter what happened before. It is never my intention to be disrespectful to the priests, to my team and to you all,” paglilinaw nito.

“Raising my voice due to emotion and throwing the letter that i receive this morning was unsportsmanlike. Again i’m sorry for the hurt my action have caused you.”

Nahaharap sa kasong unjust vexation at grave threat ngayon si Sarr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?