50

By

Sari-saring armas, nasabat sa bahay ng kapitan

Sharing is caring!

Samu’t saring baril at bala ang nasabat sa bahay ng aarestuhin sanang barangay chairman subalit wala ito kaya ang anak at dalawang manugang ang hinuli sa Barangay Amatugan, Tuburan, Toledo City, Cebu.

Batay sa report, nakatakdang hulihin si Barangay Amatugan Chairman Braulio Umandac at manugang na si George Ian Coliao, dala ang dalawang search warrant na inisyu ni Judge Hermes Montero ng Toledo City Regional Trial Court Branch 59 para sa paglabag sa Republic Act 10591, o ang illegal possession of firearms.

Ayon kay PO3 Landy Divinagracia, una nang inakusahan si Umandac ng indiscriminate firing matapos magreklamo ang mga kapitbahay.

Inaresto ng mga pulis ang anak ni Umandac na si Joberlito, 34-anyos, manugang na si George Ian Coliao, 32-anyos at Edwin Cadungog, 31-anyos, pawang mga residente ng Barangay Amatugan, Tuburan, Toledo City, Cebu.

Nasabat mula sa bahay ng mga Umandac ang dalawang .45 pistol, limang .357 revolvers, dalawang improvised pistols, isang improvised shotgun, KG9 submachine gun, dalawang magazines loaded with bullets, dalawang .22 rifles at mga bala.

Kasalukuyang pinaghahanap si Barangay Amatugan Chairman Braulio Umandac ng Toledo Police habang nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso tatlong naaresto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?