134

Oct 29, 2017 @ 16:22

‘Sari-sari store’ package, ipamimigay sa mga ‘bakwit’

Mahigit sa  P5,000 ang paunang magiging puhunan sa pagbangon ng ilang Marawi City evacuees.

Sinimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pamamahagi ng livelihood starte kits kabilang na ang P5,000 halaga ng mga paninda.

Sinabi ni DTI Regional Operations Group Undersecretary Zenaida Maglaya ang mga paninda, karamihan mga pagkain, ay maaring ipagbili sa loob mismo ng mga evacuation centers at kalapit na lugar.

“The starter kits are more on food items. We will train and monitor them on the progress of their business. Once they return to Marawi, they are now equipped with the basics on entrepreneurship and at least expand the starterkits they received after earning some money,” paliwanag ni Maglaya.

Bukod dito, tuturuan ng ahensiya ang mga pamilya ng simpleng bookkeeping para mapanatili o mapalago nila ang kanilang negosyo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?