30

By

Sarhento patay sa pananambang, 3 anak sugatan

Blangko pa ang pulisya sa pumatay sa isang intel police makaraang pagbabarilin ng riding in tandem ang sasakyan nito Biyernes ng gabi sa Maria Theresa Subdivision at Yumang St., Barangay San Isidro, General Santos City.

Nakilala ang nasawi na si MSgt. Emmanuel Coronado, intelligence chief of police ng Station 4 sa Barangay San Isidro matapos magtamo ng multiple gunshot wounds.

Sugatan naman pero ligtas na ang tatlong anak nito na sina Hannah Shane, 13; Jorosh Manuel, 15, at Joshen Manuel, 8.

Ayon kay Col. Aden Lagradante, GenSan police director, sakay ng itim na motorsiklo ang mga suspek nang tambangan ang target nilang pulis na lulan naman ng Honda Sedan alas-nuwebe ng gabi.

Papasok na sana sa Maria Theresa Subdivision at sa kanto ng Yumang St. ang mga biktima nang pagbabarilin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?