11
Sargado, Navarro wagi sa Sudoku Championships
By

Sargado, Navarro wagi sa Sudoku Championships

Dalawang miyembro ng Philippine delegation ang tinanghal na kampeon sa sinalihang kategorya sa isinagawa na China Junior Sudoku Championship sa Nirvana Resort sa Beijing, China.

Iniuwi ni J Irah G. Sargado ng Hua Siong College ang titulo sa pagiging kampeon sa Under 10 category ng China Junior Sudoku Championship. Ang Iloilo Sudoku champion ay nasa Top 3 din ng China Sudoku Championship Open professionals tournament na isinagawa noong Hulyo 26-30.

Wagi naman si Janelle Aleisonne D.C. Navarro ng Dr. Yanga Colleges, Inc. sa Under 18 category ng China Junior Sudoku Championship.

Humakot din ang mga sinanay ng Mathematics Trainers’ Guild (MTG) na Team Philippines sa pamumuno ni Hazel Shi ng ilan pang karangalan sa iba-ibang dibisyon.

Naging 1st runner-up sa Under 10 si Rhaiyanna R. Raymundo mula Akle Elementary School sa Bulacan, 1st runner-up sa Under 18 ang Philippine Science High School – Western Visayas Campus, 2nd runner-up sa Under 12 si Louisa Jean B. Cabugao mula Akle High School at 2nd runner-up sa Under 18 si Denise Carpio mula naman sa Dr. Yanga’s Colleges, Inc.

Ang China Junior Sudoku Championship at China Sudoku Championship ay magkasabay na isinasagawa kung saan sinalihan ito ng kabuuang 328 kalahok mula sa China, India, Japan, Philippines, at South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?