201

Oct 4, 2017 @ 18:48

Sarap batukan ni Duterte – Trillanes

ITINANGGI ni Senador Antonio Trillanes IV ang panibagong alegasyon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mistress ito sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

“Ito ang presidente na ubod ng bastos. Kung di lang napapaligiran ng PSG, sarap batukan,” saad ni Trillanes.
Sinabi ni Trillanes na kilala niya si Atty. Juli Bacay-Abad na isang disente at pamilyadong tao na naging propesyunal sa kanyang paglilingkod bilang executive director ng AMLC.

“I categorically deny itonng huling imbesntong storya ni Duterte. Nakakalungkot lang na meron pang nadadamay na ibang tao,” dagdag ng senador.

Naniniwala ang mambabatas na panibagong diversionary tactic ito ng Pangulo upang iwasan ang kanyang mga alegasyon.
“Mr. Duterte, huwag mong daanin sa kabastusan ang pag-iwas mo sa tunay na isyu ng bilyun-bilyong pera mo sa bangko,” hamon pa ng mambabatas.

“Sa akin, kayo na ang bahalang mag-dissect sa mga sinasabi nito, nagkakawindang-windang na ang mga sinasabi niya (Duterte). Hindi ako magugulat kung isang araw, masisiraan na lang ito ng bait,” pahayag pa ni Trillanes.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?