54
Sarangani niyanig ng magnitude 4 na lindol
May 3, 2019 @ 15:12
By

Sarangani niyanig ng magnitude 4 na lindol

Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa Sarangani, Davao Occidental nitong Biyernes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-12:57 ng hapon sa 78 kilometro southeast ng Sarangani.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 86 kilometro.

Wala umanong inaasahang aftershocks o pinsala ng lindol ang Phivolcs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?