234
chinese-sili
Jan 10, 2018 @ 20:10

Sili nadiskubre sa loob ng baga ng babaeng Chinese

Nadiskubre ng isang babaeng Chinese mula sa hilagang-kanluran ng China na may nakabara pa lang tatlong sentimetrong haba na sili sa kanyang baga matapos siyang dumanas ng mataas na lagnat at hirap na paghinga sa loob ng anim na taon.

Nabigyang-linaw ang dahilan ng sakit ng babae matapos nitong magpa-check up sa isang ospital sa Tongchuan sa Shaanxi province, ayon sa ulat ng China Business View.

Pumunta ang babae, 41-anyos, na hindi pinangalanan, sa ospital ng nakaraang linggo matapos makaramdam ng matinding pananakit ng ulo at hirap sa paghinga.

Sabi ng doktor sa ospital na si Luo Lifeng, gumamit siya ng probe para tanggalin ang sili sa kanang baga ng babae pero nagdesisyon siyang operahan na lang ito dahil naimpeksiyon na ang ilalim na bahagi ng baga nito.

Ayon pa sa ulat, tagumpay na natanggal ng mga doktor ang sili sa baga ng babae.

Dagdag pa ng mga doktor, karaniwang nakakalunok ng mga bagay na bumabara sa daanan ng hangin patungo at palabas ng baga ang mga batang edad lima pababa pero bihira itong mangyari sa matatanda.

Marahil ay aksidenteng nalanghap ng babaeng Chinese ang sili habang kumakain ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?