240
trillanes-sara-paolo
Jan 10, 2018 @ 20:14

Sarah, Paolo Duterte panay drama sa pulitika – Trillanes

Muling bumira si Senador Antonio Trillanes IV laban sa mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Davao City Mayor Sarah Duterte at dating Vice Mayor Paolo Duterte.

Sinabi nitong drama lamang ang pahayag ni Davao City Mayor Sarah Duterte na ayaw nitong tumakbo sa pagka-senador at sasabak lang kapag nainis sa mga kritiko ng ama.

Sa iniulat na resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong Disyembre 8 – 11, pang-siyam si Sarah sa top 12 na maaring iboto sa pagka-senador.

“Hindi ko siya sinusubaybayan. Eh di congratulations! Sa akin kung gusto naman nyang tumakbo eh di tumakbo lang sya. Wala nang dramahan kasi sanay sila sa dramahan eh na hindi tatakbo ganun, ganun din naman yung tatay nya di ba?” pahayag ni Trillanes.

Kahit aniya ang pagbibitiw ni Paolo Duterte sa pagka-bise alkalde ng Davao City ay drama at gimik din.

“Basta sa akin lahat yan, mga drama yang mga gimik na yan, walang totoo dyan. So malalaman na lang siguro sa coming weeks kung bakit talaga siya nagresign,” diin ni Trillanes. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?