sarah-geronimo-4
By

Sarah pagod at gusto nang mag-quit sa showbiz

Sharing is caring!

Tunay namang nakakaawa si Sarah Geronimo sa na­ging karanasan niya sa isa sa mga leg ng kanyang US Tour kaugnay pa rin ng This 15 Me anniversary concert niya.

Sa pinag-uusapang YouTube video ng kanyang naging emote at pag-walk out sa stage nang hindi tinapos ang isang kanta, paulit-ulit na paghingi ng sorry ang ginawa ng pop royalty.

Maging si Mommy Divine ay balisang-balisa sa inasal ng anak, at ramdam mo ring nahihirapan ito sa anumang pinagdaraanan ni Sarah.

‘Empty’ ang kabuuan ng pagkalungkot at paghahanap ng kasiyahan ni Sarah sa kanyang ginagawa na naikumpara pa niya sa idolo niyang si MJ o Michael Jackson.

Halatang-halata talagang pagod na ito at tila nagtatalo nga kung para sa sarili pa ba niya ang kanyang ginagawa o kanino?

Nauunawaan namin si Sarah at hinahangaan pa rin. Ang feeling namin ay ‘napuno’ na ito and yet wala itong maramdamang totoong kasiyahan kaya’t feeling empty pa rin siya.

Hindi kami magugulat kung sa puntong ito ng kanyang career ay hilingin din niya uling mag-sabbatical o pansamantalang magbakasyon sa showbiz, gaya ng kaibigan niyang si John Lloyd Cruz.

Ibigay natin sa kanya ‘yun as she deserves to find her real self na ‘buo’ bilang isang tao at babae!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?