625

Feb 29, 2020 @ 14:48
By

Sarah, Matteo hinaras sa elevator

Isang fan ang swerteng nakasalubong ang newlywed couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo habang pasakay sila ng elevator.

Sa Instagram post na binahagi ni @ashmattlove, makikita ang isang babae na hawak-hawak ang kamay ni Matteo bago ito mag-request na magpa-picture sa dalawa.

“Sorry na pwede ba magpa-picture? Okay lang? Ate okay ka?” tanong ng fan habang inaabot ang kamay ni Sarah G.


Pinaunlakan naman nina Matteo at Sarah ang request ng fan, patunay kung gaano ka-accommodating ang couple na kahit sa kanilang private time ay naisisingit pa rin ang mga fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?