368

By

Sarah, Matteo engaged na!

Ikakasal na ang magdyowang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Hindi direktang sinabi ito ni Matteo sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, November 7 pero mapapansin ang suot na singsing ni Sarah.

Nilagyan pa ito ni Matteo ng caption na: “I love you my love, now and forever ❤.”

Marami ang nag-congrats sa kanila kabilang na sina Darren Espanto, Vina Morales at Gary Valenciano. Maging ang engaged na ring si Angel Locsin.

Masaya rin ang mga follower ng dalawa.

View this post on Instagram

I love you my love, now and forever. ❤️

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?