271

Jun 23, 2019 @ 17:42
By

Sarah Lahbati, Richard Gutierrez super sweet sa kanilang ika-7 anibersaryo

Ibinahagi ni Sarah Lahbati ang isang romantic photo nila ng kaniyang longtime partner na si Richard Gutierrez sa Instagram bilang pagbati sa kanilang ika-7 taong anibersaryo.

Sa naturang larawan ay makikita ang dalawa na magkayakap sa dagat at magkadikit ang mga ilong habang kapwa nakapikit.

“7 years with you. Wouldn’t have it any other way. Happy anniversary, my love,” saad ni Sarah Lahbati sa kaniyang caption.


Ibinahagi naman ni Richard ang larawan nilang dalawa kung saan ay sweet na sweet silang nakahiga sa dalampasigan.

“Time flies when you’re in love, happy 7th year anniversary my love,” ani Richard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?