63

Apr 23, 2021 @ 18:15
By

Sarah humirit ng bagong baby kay Richard

Kinilig ang mga netizen sa message ni Richard Gutierrez para sa kanyang wifey na si Sarah Lahbati.

Sabi ni Richard sa Instagram post, hanggang ngayon ay may crush siya kay Sarah kahit may dalawa na silang junakis.

“Still crushing on you, even though we’re together, married, and have two kids,” sey ni Richard sa photo kung saan nasa swimming pool sila ng aktres.

Nag-comment si Sarah at pabirong hiniritan ang kanyang mister ng: “baby #3. just kiddinggggggg i love you.”

May dalawa nang anak na lalaki ang mag-asawa: sina Zion at Kai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?