85

Sarah Geronimo nagtatanong na ng tungkol sa kasal kay Regine

Itsinika ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na nagtatanong na raw si Sarah Geronimo sa kanya ng tungkol sa pagpapakasal.

“We talk about it, I tell her siyempre nagbibigay na ko ng based sa naexperience ko as a wife kasi she is at the right age naman na, marrying age na siya. Ang dami niyang tinatanong sa kin about getting married, being in a relationship,” ani Regine sa tweet ni ABS-CBN entertainment journalist MJ Felipe.

Limang taon nang boyfriend ni Sarah si Matteo Guidicelli.

Kamakailan ay naging usap-usapan din na engaged na umano ang dalawa dahil sa kumalat na larawan ni Sarah na suot palagi ang iisang itsura ng singsing. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?