60

Nov 25, 2017 @ 9:43
By

Sarah Geronimo, excited nang maging lola

Spotted noong Miyerkoles, November 22 sa isang restaurant sa Quezon City sina Sarah Geronimo, Nova Villa at ang direktor na si Joyce Bernal.

Ang pagsasama ng tatlo ang nagbigay sa amin ng idea na pinag-usapan nila ang Philippine adaptation ng “Miss Granny”, ang blockbuster Korean movie na ipinalabas sa mga sinehan sa South Korea noong January 2014.

Ang Viva Films ang producer ng local version ng “Miss Granny” dahil may partnership ang movie company ni Boss Vic del Rosario sa CJ Entertainment, ang distributor ng huge box-office hit Korean film.

Si Sarah ang one and only choice para gumanap na “Miss Granny” at malakas ang duda namin na si Nova ang gaganap na alter ego niya. Si Joyce ang direktor ng movie project na gustong-gusto ni Sarah dahil bukod sa kakaiba ang kuwento, challenging ang karakter na gagampanan niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?