357

Apr 19, 2021 @ 21:22
By

Sarah G tindera na ng cupcake

Ginamit sa negosyo ni Sarah Geronimo ang hilig niya sa pagbi-bake.

Sa mga video na ibinahagi ng ilang fan niya sa Instagram, makikita ang pagkatuwa ng singer at mister niyang si Matteo Guidicell sa unang benta nila ng mga cupcake na worth P200.

“Our first sales from our cupcakes!” maririnig na sabi ni Matteo, na kinahiyaw ni Sarah.

Sa isa pang Instagram video ibinida ni Matteo ang mga strawberry at oreo cupcakes ng kanyang asawa.

Taong 2016 nag-aral si Sarah ng pagluluto sa Center for Asian Culinary Studies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?