779

Feb 22, 2020 @ 20:58
By

Sarah G nag-flex ng wedding ring

Hindi nakaligtas sa panunukso ni Lea Salonga ang bagong kasal na si Sarah Geronimo sa “The Voice Teens Philippines” nitong Sabado, Pebrero 22.

Sa gitna ng show ay inasar ni Lea si Sarah tungkol sa love dahil isang lesbian na contestant ang proud na nagsabing may girlfriend siya.

“Sarap ng ma-in love ‘no? Looking at you. Sarap ng ma-in love ‘no?” sabi ni Lea.

“Masarap ba coach?” sagot naman ni Sarah sabay halakhak.

Tumayo pa si Lea at pinalakpakan si Sarah habang nasa background ang tugtog na pangkasal.

Sa bandang dulo ay may pasilip sa magaganap na susunod na episode ng “The Voice Teens Philippines” bukas, Pebrero 23 kung saan inawitan ni Lea si Sarah ng “Diamonds” ni Rihanna.

“Si Sarah may diamond,” kanta ni Lea sabay hiyawan ng audience.

Dito na pinakita sa national TV ni Sarah ang kanyang wedding ring.

“Flex ko lang sa sarili ko. Wow,” ani Sarah sabay tawa.

Kita sa mukha ni Sarah ang kaligayahan nang maikasal kay Matteo Guidicelli noong Pebrero 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?