39

May 7, 2021 @ 17:15
By

Sarah G, Matteo nag-shoutout kay Rabiya

May pa-good luck si Pop Princess Sarah Geronimo at mister na si Matteo Guidicelli sa pambato ng Pilipinas sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Rabiya ang kilig sa video message mula sa kanyang idolong si Sarah at Matteo.

“We wish you all the best. We’re praying for you, rooting for you. God bless you and thank you very much for representing the Philippines with all you can. Maraming salamat,” sey ni Matteo.

Sambit naman ni Sarah: “We’re very proud of you. Whatever happens, do it for the glory of God.”

“Someone is ‘kinikilig’ right now. Awww, my popster [heart emoji]. I love you @justsarahgph,” caption ni Rabiya.

Gaganapin ang 2020 Miss Universe sa Hollywood, Florida, USA sa May 16 (8AM, May 17 sa Pilipinas).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?