20

Mar 1, 2021 @ 16:49
By

Sarah G, Kapamilya star pa rin

Nilinaw ni Viva Entertainment boss Vic del Rosario Jr., na nananatiling exclusive talent ng ABS-CBN si Sarah Geronimo.

Ani Del Rosario sa ABS-CBN report, hindi magiging host ng anumang TV show na hindi sa Kapamilya Network ang Popstar Royalty.

Umapir lamang daw si Sarah bilang endorser ng show para sa Talk ‘N Text.

“She is still exclusive with ABS-CBN and the only time she appears on TV5 is when she comes out on ‘ASAP Natin ‘To’,” sambit ni Boss Vic.

Samantala, inanunsyo ng Viva Records ang paggawa ni Sarah ng bagong album nitong taon.

Naghahanda na rin ang singer para sa kanyang online show na “Tala: The Film Concert” na ipalalabas sa March 27.

Ito ang magiging unang concert ni Sarah makalipas ang isang taon matapos maikasal kay actor Matteo Guidicelli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?