91

Apr 7, 2020 @ 16:03
By

Sarah bet na ‘Darna’ ni Sharon

Kung si Megastar Sharon Cuneta ang tatanungin, type niyang mapabilang sa listahan ng mga gumanap sa Pinay superhero na si “Darna” si Sarah Geronimo-Guidicelli.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Shawie ng poster ng mga frontliner kasama ang mga gumanap na “Darna” kabilang na siya.

“Eto na. Yehey KUMPLETO NA!!! Thank you so much dearest @bluheart18 ! Parang may nanalo na! League na league!” ani Sharon.

Pero may hirit doon si Sharon na: “Si bunso Sarah di pa lumilipad sa role eh! Di bale oks na oks na! Liga Ng Mga Pinay na Superheroines para sa Frontliners ng Pilipinas Laban sa COVID-19!!! Mabuhay kayo!!!”

Kabilang sa mga naging “Darna” si Sharon pati na sina Angel Locsin, Regine Velasquez at Marian Rivera.

Sa kasalukuyan ay si Jane de Leon ang susunod na gaganap sa “Darna” role matapos mag-backout si Liza Soberano dahil sa nabaling daliri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?