123

Dec 18, 2017 @ 19:43
By

Sarah bawal nang sumisid

Nagkaroon ng family Christmas photo shoot sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Zion last Sunday. Dahil busy sa ‘La Luna Sangre’ taping si Richard, si Sarah ang nag-asikaso ng pictorial na ‘yon sa ng Nice Print Photography at kinunan sa Concept Room Studio.

Kuwento ni Richard, malamang na hanggang December 23 ang trabaho niya sa ‘La Luna Sangre’ at pagkatapos, may Christmas break naman sila.

“On Christmas eve, sa bahay kami, sa White Plains, then for New Year, mag-dive trip kami kasama Dad ni Sarah dahil nandito siya ngayon for the holidays,” kuwento ni Richard.

Sabi naman ni Sarah, “I’m happy because my family is complete! Bale ‘yung dive trip namin, hanggang New Year na. Babalik kami January 2 dahil magre-resume si Chard ng taping ng ‘La Luna Sangre’.”

“Of course hindi ako kasama sa magda-dive. Hindi na puwede. Bawal na rin akong sumisid. Hahaha. Next year na ako magda-dive, kapag nakapanganak na at okey na.

“I will be hanging out with Zion and the family lang. Excited na si Zion dahil mahilig din siya sa beach,” kuwento sa amin ni Sarah kahapon na ka-lunch ang kanyang tatay at nanay na si Abdel at Esther Lahbati. (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?