111
Saradong Manila Water bypass, itinanggi ng MWSS
By

Saradong Manila Water bypass, itinanggi ng MWSS

Bukas umano at hindi sarado ang bypass valve na pinaghahatian ng Maynilad at Manila Water para sa tubig.

Paliwanag ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty, kung sarado umano ito ay walang ni isang patak ng tubig ang makukuha ng Manila Water.

“For the record, the bypass is open… If it is closed, Manila Water would not have water at all,” ani Ty.

Naglabas ng panig si Ty matapos akusahan ng isang netizen na nagpakilalang dating empleyado ng MWSS, na ang pagbubukas umano ng bypass ang makakaresolba ng nararanasang kakapusan ng suplay ng tubig sa mga kustomer ng Manila Water.

“Open the bypass and the problem will be solved. The problem started when you ordered the closure of the bypass at la mesa,” komento ng netizen sa Facebook post ni Ty.

Sinagot ito ni Ty ng, “I think you are misinformed, I didn’t order any closure.”

Kaya may krisis! MWSS ipinagdamot ang tubig ng Maynilad sa Manila Water – ex-MWSS employee

Ang bypass valve umano ang naghihiwalay ng 4,000 million mld mula sa reservoir sa pagitan ng Manila Water at Maynilad Water Services Inc.

Nakakakuha ng 1,600 mld ang Manila Water habang 2,400 mld naman ang Maynilad.

La Mesa Dam bypass hindi sarado – Maynilad engineer
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?