32

Jul 14, 2021 @ 20:30
By

Sara nagpabasbas kay Gloria?

Nakipagkita si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nitong Miyerkoles.

Walang binanggit si Duterte-Carpio tungkol sa dahilan ng sabay nilang pagtatanghalian ni Arroyo sa isang hotel sa Maynila pero ayon sa report ni Tina Panganiban Perez, ang pagkikita ng dalawa ay parte ng “continuing consultation” niya sa dating pangulo.

Present sa pagkikita nina Duterte-Carpio at Arroyo si Davao Occidental Governor Claude Bautista, na kapartido ng una sa Hugpong ng Pagbabago.

Matatandaang noong nakaraang linggo, sinabi ng presidential daughter na bukas na siya sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?