By

Sara kay Trillanes: ‘You are a coward’

Sharing is caring!

Tinawag ni presidential daughter Sara Duterte si Senador Antonio Trillanes IV na duwag at kahiya-hiyang sundalo at mambabatas.

Sinabi ito ng alkalde ng Davao City sa kanyang Instragram post matapos umatras ang senador sa sinimulan nitong word war laban sa anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa nito na hindi siya naniniwala dati pero ngayon ay kumbinsido na siya na duwag ang senador.

“I do not know why you became a soldier and a Senator. Such a disgrace,” sabi pa ni Sara.

Nagsimula ang word war ng dalawa nang ibinunyag ni Trillanes ang planong umanong pagtakbo ni Sara bilang presidente sa 2022.

Bilang sagot, binalaan ni Sara si Trillanes na titiyakin niya na gagastos ang senador at mga kaalyado nito ng isang bilyong piso para siya ay mawala sa eksena sa 2020 kung hindi siya tatantanan nito.

Sinabi kalaunan ni Trillanes na hindi na ito sasagot sa mga sasabihin ng alkalde ng Davao dahil wala siyang panahon dito.

Patutsada naman ni Sara sa senador, may panahon itong magpa-presscon pero biglang nawalan ng oras nang sagutin niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?