34

Jul 15, 2021 @ 21:44
By

Sara, Joy, Gwen nagreyna sa mga mayor, gov – survey

“Girl power” ang naging resulta ng survey ng isang independent group tungkol sa mga pinakamahuhusay na local chief executive sa bansa.

Sa RP-Mission and Development Foundation survey, nangibabaw sa mga best-performing local chief executive sina Davao City Mayor Sara Duterte, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Nanguna sa hanay ng mga gobernador mula sa 81 probinsya si Garcia sa 77% rating habang nagreyna naman si Duterte sa 16 city mayor sa labas ng Metro Manila sa 93% rating.

Numero uno si Belmonte sa National Capital Region (NCR) sa 87% rating.

Sumunod kay Duterte sina Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco (82%), Calapan City Mayor Arnan Panaligan (77%), Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno (74%) at Baguio City Mayor Benjamin Magalong Jr. (71%).

Sumunod kay Garcia sina Iloilo Governor Arthur Defensor (72%), La Union Governor Francisco Emmanuel Ortega III (70%), Davao del Sur Governor Marc Douglas Cagas IV (67%) at Pampanga Governor Dennis Pineda (62%).

Samantala, sinundan si Belmonte nina Pasig City Mayor Vico Sotto (86%), Manila Mayor Isko Moreno (80%), Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian (79%) at Navotas City Mayor Toby Tiangco (77%).

Isinagawa ang survey ng June 3-10 at June 10-25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?