269

Apr 7, 2021 @ 18:11
By

Sara, Isko nanguna sa presidential survey

Top choice sina Davao City Mayor Sara Duterte at Manila Mayor Isko Moreno sa mga potensyal na kandidato sa pagka-pangulo sa survey ng PUBLiCUS Asia Inc.

Isinagawa ang nationwide survey noong Marso 20-29, 2021, kung saan itinanong sa may 1,500 respondents kung sino ang malamang na susuportahan nila para sa posisyon ng Presidente sa 2022 elections?

Isinagot ng mga na-survey sina Duterte (16.7%), Moreno (14.7%), Bongbong Marcos, (13.6%), Senador Manny Pacquiao (12.8%) at Vice President Leni Robredo (9.3%).

Hindi nagbago ang limang paborito sa pagka-presidente mula sa survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia noong Disyembre 3-9, 2020.

Samantala, nanguna sa vice presidential survey sina Moreno (16.6%), Duterte (14.9%), Pacquiao (10.7%) at Senador Bong Go (7.3%).

Kasama naman sa mga matunog sa pagka-senador o “Magic 12” sina Moreno (68.93%), Pacquiao (66.27%), Willie Ong (63.27%), Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero (57.67%), Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez (38.93%), Duterte (30.67%), Senator Risa Hontiveros (30.53%), Bongbong Marcos (27.53%), Senador Joel Villanueva (26.67%), Senador Sherwin Gatchalian (24.0%), Batangas Rep. Vilma Santos-Recto (22.53%) at Antique Rep. Loren Legarda (22.33%).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?