34

Oct 4, 2021 @ 15:16
By

‘Sara-Go’ posible – Cusi

Inihayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi – presidente ng PDP-Laban – na posibleng matuloy si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kanilang standard-bearer sa 2022 elections.

Ani Cusi, posibleng tumakbo si Mayor Sara dahil mismong ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglutang ng ‘Sara-Go’ tandem noong Sabado.

“It is a possibility. The President said that right after Sen. Bong Go filed his candidacy, saying Sara-Go na,” wika ni Cusi sa panayam ng ANC.

Bagamat posible, sinabi rin ng kalihim na hindi niya masabi ang mangyayari sapagkat noong Sabado rin ay naghain si Mayor Sara ng kanyang certificate of candidacy para tumakbong alkalde ng Davao City.

“When the President said that, I think he was enticing Mayor Sara to throw her hat in the presidency, but unfortunately she filed her COC for mayor…so I don’t know what will happen,” pahayag ni Cusi.

Dugtong pa ng PDP-Laban president, maaaring sumapi muli sa kanila si Mayor Sara kahit pa bumuo na ito ng sarili niyang regional party na Hugpong ng Pagbabago.

“She can opt to rejoin PDP because she was also a PDP (member) before.”

Si Cusi ay presidente ng paksyon ng PDP-Laban na may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ngayo’y naghain sila ng resolusyon sa Comelec upang sila ang ituring na lehitimong bersyon ng partido sapagkat kahati nila sa PDP-Laban ang grupo nila Senador Manny Pacquiao. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?