36

Mar 12, 2020 @ 15:30
By

Sara Duterte, Ungab nag-self quarantine na rin

Sumailalim na rin sa 14-araw na self-quarantine si Davao City Rep. Isidro Ungab.

Ito’y matapos na makahalubilo nito si Senador Sherwin Gatchalian na sinasabing na-expose sa isang resource person na positibo sa COVID-19.

Si Davao City Mayor Sara Duterte na kasama ring nakahalubilo si Gatchalian sa Senado ay nag-self quarantine na rin.

Ang dalawa ay magkasama na nagtungo sa Senado kamakalawa para sa ginawang kumpirmasyon ng Commissions on Appointments sa kanilang nominasyon bilang Army resevists na kung saa’y dito kanilang nakasalamuha ang senador.

“I was at the Senate with Mayor Inday Sara (Duterte-Carpio) yesterday (Wednesday) and I interacted as well with Senator Sherwin Gatchalian. Although he looks very healthy and asymptomatic, the most responsible thing to do is to subject myself to home quarantine and make sure that I won’t be spreading the virus in case I got it,” ayon ka Ungab.

Bagama’t naka-self quarantine, tiniyak naman ni Ungab na tuloy ang pagganap niya sa tungkulin sa kanyang mga constituent sa pamamagitan ng electronic communication.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?