449

By

Sara Duterte tinawag na mga duwag ang Otso Diretso

Inasar ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga pambato sa Senado ng Otso Diretso matapos tumangging harapin siya sa debate dahil hindi naman umano siya kandidato sa May elections.

Sa kanyang Instagram, pinatamaan ng alkalde ang Otso Diretso senatorial slate at tinawag na mga duwag ito.

“This is the hallmark of your group, dark, depressing, sad, very recently, dishonest. And now, cowards soon to be L,” sabi ni Duterte-Carpio sa caption na nilagyan niya pa ng pile of poo emoji.

Noong Biyernes nang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang hirit ng Otso Diretso na mag-organisa ng debate sa pagitan nila at mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Dahil dito, nagprisinta si Duterte-Carpio na siya na lang mag-isa ang haharap sa buong slate ng Otso Diretso para sa debate.

“Kami na lang, Inday Sara vs 8,” sabi ni Duterte-Carpio.

Si Duterte-Carpio ang campaign manager ng HNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?