194

Sep 18, 2021 @ 15:38
By

Sara Duterte sikat dahil kay Digong – Mon Tulfo

Utang ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang katanyagan sa kanyang ama, ayon kay Special Envoy to China Ramon Tulfo.

Sinabi ito ni Tulfo sa kanyang Sept. 16 column sa isang pahayagan.

“If Sara thinks that Hugpong is a very strong party, she’s being presumptuous. The mayor should be told that charisma, which her father oozes with, is non-transferable,” lahad ni Tulfo.

Hindi rin niya kinabiliban ang naging papel ni Mayor Sara sa pagpapatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

“She may have had a hand in the ouster of Pantaleon Alvarez as Speaker of the House of Representatives and the installation of former president Gloria Macapagal-Arroyo, but that’s only because of her father’s followers in the Lower House,” saad pa ni Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?