538
Sara Duterte sa tattoo issue ni Paolo: Kung ako iyan hindi ko ipakita!
By

Sara Duterte sa tattoo issue ni Paolo: Kung ako iyan hindi ko ipakita!

Kung si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio umano ang nasa sitwasyon ng kanyang kapatid na si Paolo na hinahamon na ipakita ang tattoo ay igigiit niya ang kanyang “right to privacy”.

“Kung ako iyan of course not. Kung ako ah, hindi ko ipapakita ang tattoo ko. I have my right to privacy. Unless there’s a case about my tattoo and then sinasabi ng judge na oh ipakita mo ang tattoo then that’s the only time na magpapakita ako ng tattoo voluntarily,” saad ni Duterte-Carpio sa campaign sortie ng Hugpong ng Pagbabago sa Surigao City, Surigao del Norte.

Muling naungkat ang isyu ng tattoo ni Paolo na magpapatunay umano ng kaugnayan nito sa illegal drug trade nang kumalat online ang video ng isang alyas “Bikoy” na may pamagat na “Ang Totoong Narcolist”.

Ayon sa Bikoy, P170 million at P210 million ang inilipat sa pekeng account sa international bank noong 2018 kay Paolo.

Sinabi pa ni Bikoy na siya mismo ang nakakita sa dragon tattoo ni Paolo na mayroong alphanumeric code na nagrerepresinta sa “tara” o kickbacks ng dating bise alkalde.

Hindi kinagat ni Paolo ang hamon na ipakita ang kanyang tattoo sa halip ay inakusahan nito si Senador Antonio Trillanes IV na nasa likod ng mga video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?