206

By

Sara Duterte sa mga botante: ‘Wag suportahan ang Makabayan bloc

Hinikayat ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang publiko na huwag suportahan ang makakaliwang grupo, matapos na manguna ang Bayan Muna party-list sa Pulse Asia survey.

Ayon sa report ng ABS-CBN sinabi ni Sara na wag umanong suportahan ng publiko ang mga party-list group na hindi sumusuporta sa gobyerno.

“Pansarili nilang agenda ang tinutulak nila. At marami d’yan sa Makabayan party-lists nagbibigay ng resources sa mga CPP-NPA na lumalaban naman sa gobyerno,” saad ni Sara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?