97

Nov 8, 2020 @ 14:52
By

Sara Duterte sa 2022? Locsin pabor

Sinang-ayunan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang pahayag na magpapatuloy ang pangitain ng oposisyon sa Halalan 2022.

Nag-quote tweet ang kalihim sa pahayag ng isang netizen na, “On 2022, the nightmare of fucking oppositions continue.”

Kalakip nito ang #Halalan2022, at emojis ng Philippine flag at fist bump na signature hand gesture ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakalakip pa sa tweet ang nakangiting larawan ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may sagisag ng Pangulo ng Pilipinas sa background.

“Indeed,” lang ang dagdag na komento ni Locsin sa nasabing tweet.

Naunang sinabi ni Inday Sara na sa 2021 siya magkakaroon ng desisyon sa kung tatakbo ba siya sa pagkapresidente sa 2022.

Makailang ulit nang sinabi ni Duterte ang payo sa anak na huwag nang tumakbo sa pagkapresidente gayong marami aniyang problemang kinahaharap ang bansa at maraming insulto na matatamo ang anak sakaling manalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?