666
apollo-quiboloy
Aug 3, 2019 @ 16:45
By

Sara Duterte pinili ng Diyos para maging Presidente – Quiboloy

Napili na umano ng Diyos si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sumunod sa yapak ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte at maging susunod na lider ng bansa, ayon kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang tugon ni Quiboloy nang matanong sa isang TV show kung nakikita niya ba ang alkalde bilang susunod na Presidente.

“Well, I think the presidency is a gift from God. It is God who determines it. You don’t aspire for it. For those who don’t aspire for it, God gave it to them, like our current president. And I believe that our mayor here is chosen for that also,” wika ni Quiboloy.

“I believe Mayor Sara here, God has a big, big plan for her. And this is for the Philippines,” dagdag pa niya.

Si Mayor Sara ang naging guest ni Quiboloy sa kanyang TV program noong Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?