38

Oct 11, 2017 @ 7:42

Sara Duterte: Paid troll si Trillanes

Hindi kokontra si Davao City Mayor Sara Duterte sakaling isailalim sa lifestyle check ang kanyang asawang si Atty. Manases Carpio matapos makaladkad ang pangalan sa kontrobersiya sa Bureau of Customs kasama si Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte.

Reaksiyon ito ni Mayor Sara sa draft resolution ng Senate blue ribbon committee na irerekomenda umanong i-lifestyle check ang kanyang asawang si Atty. Mans.

Bagamat maaga pang pag-usapan kung ano man ang nakasaad sa draft report ng senate blue ribbon commitee, sinabi ng alkalde na welcome siya sa imbestigasyon ng Ombudsman dahil masasagot nila ang mga bintang, at matutuldukan na rin ito.

Pero binigyang-diin ni Mayor Sara na kung lifestyle check ang magiging laman ng final report, hindi ito makatwiran sa kanyang pananaw dahil ibinase lamang ito sa “chismis” ni Mark Ruben Taguba at mga kasinungalingan ni senador Antonio Trillanes IV.

“If indeed the recommendation of a lifestyle check on Atty. Mans find its way into the FINAL committee report. My opinion is, it is an unreasonable recommendation mainly because it is based on “chismis” of Mr. Taguba and from the “lies” of Trillanes. Be that as it may, I’d like to reiterate that I welcome the investigation by the Ombudsman since this will allow us to answer accusations and I also welcome a lifestyle check on my husband so that the issue is put to rest,” ang pahayag ni Mayor Duterte.

Kasabay nito binuweltahan ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Trillanes at tinawag na ” paid troll” dahil namimingwit lang ito ng impormasyon sa mga inaakusahan nito.

Pakuta pang sinabi ni Mayor Sara kay Trillanes na tapos na ang eleksiyon at hintayin na lamang ang eleksioyn sa 2022.

” Trillanes is a paid troll. He is fishing for information with his lies and accusations. If indeed he is correct, bakit siya kukuha ng ebidensiya sa amin? kasi alam niya hindi totoo ang sinasabi niya. Tapos na ang election, may nanalo na, mag antay nalang siya ng election sa 2022 ulit,” ang sabi ng alkalde. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?