12,238

Mar 16, 2020 @ 19:28
By

Sara Duterte nagbabala sa Iglesia Ni Cristo

Binalaan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) na suspendihin ang lahat ng aktibidad nito sa lungsod.

Ito’y matapos ang mga ulat na patuloy pa rin sa kanilang mga religious activity ang INC sa kabila ng pinatupad niyang community quarantine sa Davao City laban sa COVID-19.

“We already told you through an executive order that all religious ceremonies should be suspended. I want to remind members of Iglesia Ni Cristo that praying inside the church will not save you from the virus. It will not prevent you from getting infected and from getting sick,” ani Duterte.

Kapag hindi umano sumunod ang religious group sa executive order ay mahaharap ang mga ito sa reklamong legal.

“If we cannot appeal to INC to suspend their activities, then we are exploring what we can do on the legal side,” dagdag ng alkalde.

Panawagan naman ni Mayor Sara, “I ask our brothers and sisters from the INC in Davao to please stop attending your ceremonies.”

Nitong Marso 16, nasa 18 katao na ang persons under investigation sa siyudad habang 64 ang persons under monitoring.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?