1,037
RP
Feb 28, 2019 @ 14:25
By

Sara Duterte naasar sa Otso Diretso sa pagiging obsessed sa debate: Wag nila ako utusan!

Binuweltahan ni Hugpong ng Pagbabago chairman at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga Otso Diretso candidate sa patuloy na panghihingi ng mga ito ng debate.

Inilarawan ni Duterte ang mga kandidato ng kalabang partido na ‘depressing’ at ‘black hole’ umano ang mga ito.

“They are very depressing, dark and disorganized,” ani ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kanyang binuweltahan ang pambato ng oposisyon matapos ituran ng isa sa senatorial bet ng Otso Diretso na magpadala ang Hugpong ng representative para sa isang debate.

“Bara-bara. Very unprofessional and then ngayon uutusan ako? I am the chairman of HNP tas gagawin akong secretary nung grupo na merong obsessive disorder or fixation sa debate,” aniya pa.

Dumulog ang Otso Diretso senatorial bet sa Commission on Elections para humiling ng isang pormal na debate. Personal na nagtungo sina Romulo Macalintal, Gary Alejano, Samira Gutoc, at Florin Hilbay sa opisina ng Comelec para ipasa ang letter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?