96

Apr 22, 2021 @ 20:59
By

Sara Duterte muling nanguna sa presidential survey

Nangunang muli sa listahan ng mga posibleng kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 national elections si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Batay sa Pulse Asia survey na inilabas ngayong Huwebes, nanguna ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 13 “probable presidential candidates” sa nakuhang 27 porsiyento.

Sinundan siya ni dating senador Bongbong Marcos sa 13%; pangatlo sina Senadora Grace Poe at Manila Mayor Isko Moreno sa 12 porsiyento.

Pang-apat si Senador Manny Pacquiao sa 11%, Vice President Leni Robredo (7%), Senador Christopher “Bong” Go (5%), dating Vice President Jejomar Binay (3%), Senador Panfilo Lacson (2%) at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (2%).

Pinaka-paborito si Duterte-Carpio sa Mindanao sa 60% kasunod ang Visayas sa 21% at Balance Luzon sa 17%.

Hindi siya gaanong gusto ng mga tinanong sa Metro Manila sa 12%.

Isinagawa ang survey sa pagitan ng Pebrero 22 at Marso 3, 2021 kung saan tinanong sa mga respondent ang: “Of the people on this list, whom would you vote for as president of the Philippines if the May 2022 elections were held today and they were candidates? You may mention others not included in this list.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?